Reading Challenge, Literal!

Hindi gangster kaya bawal ipakita ang mukha.

Hindi gangster kaya bawal ipakita ang mukha.

Ito ako ngayo’t binabasa ang “bestselling” book na She’s Dating the Gangster. Kung gaano karami ang fangirls ng librong ito, gano’n din kadami ang haters. Hindi ako hater pero malinaw sa isip ko na mababaw ‘tong librong ‘to. Naiirita rin ako sa booming industry ng Wattpad stories turned into books then into movies then into TV series. Nasa’n ang substance?

Kaya ko naman binabasa ang librong ito ngayon ay upang bigyan ng justification at maging objective sa pagkairitang nararamdaman ko. Sabi kasi, unfair daw kung kamumuhian mo ang isang bagay nang wala kang alam tungkol dito. Susubukan kong hanapin ngayon kung anong nagustuhan ng mga kabataan dito bukod sa landian.

Chapter 6 pa lang ako’t napapailing na ko. Sinasabi ko na lang sa brain cells ko na dahil ang market nito ay above 16 years old, hindi para sa akin ang istorya. Pero mambabasa rin ako’t may dapat sabihin sa mga binabasa ko. Kung ang writing style ng author ng librong ito ay sadyang sinulat sa ganitong paraan, matatanggap ko. Hihintayin ko na lang kung kaya ba niyang gumawa ng librong mas higit pa ritomas matalinghaga at mas malalim.

Susubukan ko pa ring matuwa sa ideya na lumalago ang reading at writing community sa bansa dahil sa mga ganitong uri ng babasahin. Isama na ‘yong mga gawa ni Marcelo Santos III, radio DJs na nagkalibro na rin at Internet stars na rumaket na rin sa pagsulat.

May isang bagay na hindi ko susubukan: ang panindigan na ang mga ganitong katha ay makabuluhan at dapat patuloy na tinatangkilik ng kabataan.

Tiwala lang, para sa akin, fad lang ito’t lilipas din. Tiwala lang…

Basahin ang resulta ng challenge rito.

Advertisements

2 thoughts on “Reading Challenge, Literal!

  1. tried reading that book din for the sake lang na ma-try lang basahin siya. Parang gawa ng isang shoujo manga fan. haha. parang precious hearts romance novels na rated R-13. ewan.
    THough na a-appreciate ko naman ang mga pinoy wattpad stories turned books turned movies, since kahit papaano ay nagsisismula nang tangkilikin ang sariling atin. Malay natin, sana, mag-grow ang industry na to. mag-mature, or watevs. Childish pa nga siguro ang mga storya ngayon, haha. pero I’m hoping na stepping stone yan. They already got pinoys attention with the fans and haters. I pray na eventually magmamature ang mga storya… gaya ng sabi mo, magkakaroon ng substance.
    ang haba na masyado ng cooment. kakapanood ko lang kasi ng TBYD tapos nabasa ko tong post mo. sumakit ang ulo ko. at Napadasal ako. LOL

    • Puñeta ‘tong libro. ‘Di lang talaga ako market kaya hindi ko ‘to gusto. Pero dahil binasa ko ‘to, may say pa rin ako. Haha. Panay lang iling ko habang nagbabasa. Buti nga natapos ko… AGAD! Haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s