Walang Pamagat

Namumula ang kanyang pisngi
At tumatangis siyang lumapit sa akin
Inaaya ako ng kanyang mga braso
Na siya’y aking yakapin.

Ngunit hindi pala ako
Ang lalaki sa likod ko ang kanyang pakay
Ngiti na lang ang tanging nagawa
Habang pinagmamasdan ko silang maging isa.

Tinitigan niya akong muli
Humingi ng patawad sa kabiguang dulot niya
Kung bakit pa ko nakipagtagpo,
Hindi ko alam.

Umaasa yata akong may mangyayari
Nangangarap na ako ang kanyang pipiliin
Mali lang na pumunta pa ko
Wala naman siyang dahilan para pumili.

Namumula ang pisngi
At tumatangis ako sa liwasan
Inaaya ako ng aking mga paa
Na lisanin ang nais makapiling.

Isang pagtatangkang sumulat ng tula habang nakikinig sa maingay na musika—isa mula sa kantang The Man Who Can’t Be Moved ng The Script at isa naman mula sa radyo ng kapitbahay. Madalas akong sumulat ng tula kung tahimik. Sa gitna ng ingay, may mapupulot din palang talinghaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s