Mangmangmayang Filipino

“’Di na uso ang mangmang, lamang ang may alam!” – Aha!

Isa akong media literate at socially active na tao. ‘Pag sinabi kong socially active, hindi ako adik sa social media at lalong hindi ako aktibista. Socially active ako dahil alam ko ang nangyayari sa aking paligid. Kumakain ako ng news and current affairs kaya, ‘di naman sa pagyayabang, kung tatanungin mo ko ng kahit ano tungkol sa pulitika, ekonomiya, lipunan at iba pang aspekto tungkol sa kalagayan ng bansa, may masasagot ako.

Bilang socially active at media literate na nilalang, mapagbigay ako sa tuwing nangangailangan ng pang-unawa ang ilang taong naggagaling-galingan. Sa kasamaang palad, sa panahon kung saan ang libreng impormasyon ay talamak na sa telebisyon, radyo, dyaryo at internet, naging talamak din ang kamangmangan.

Ang mga taong mangmang ay pwedeng patawarin lalo na kung hindi talaga nila alam ang kanilang sinasabi dahil wala silang sapat na impormasyon tungkol sa paksa. Halimbawa sa litrato sa taas, pwede natin siyang patawarin sa kanyang sinabi dahil wala siyang alam tungkol sa pagsabog ng Mt. Pinatubo o lawak ng pinsala ng Bagyong Yolanda. Bagamat ang isang tao’y maaari mong patawarin dahil sa kanyang kamangmangan, hindi mo dapat kinukunsinti ang ganitong ugali.

Alam kong mahirap tamnan ng talino ang utak ng mga taong mangmang dahil sila’y bulag sa pamumuna at kritisismo. Dahil matalino at maalam ang tingin nila sa kanilang mga sarili, lalo silang nalulunod sa kamangmangan hanggang tuluyang makulong sa katangahan. Tandaan, ang kamangmangan ay nagagamot, ang katangahan ay hindi. Madali sanang talunin ang pwersa ng mga mangmang sa Pilipinas kung kaunti sila. Ang problema’y parami sila nang parami.

Tunghayan ang nakapanghihinang pagyayabang ni Nick ng kanyang kamangmangan | http://www.wheninmanila.com/mmdas-mini-footbridge-the-weirdest-project-in-the-world-and-the-truth-behind-it/

Mayroong mga mangmang na “mema” o may maysabi lang. Ginagawa nila ito para magmukhang maalam at matalino. Ang problema sa mga mema ay panay ang talak at puna nila sa ilang bagay gayong wala naman pala silang alam o hindi man lang nagsaliksik tungkol sa pinupuna nila. Ito ‘yong mga taong hindi dapat pinapatawad dahil pinagyayabang pa nila ang kanilang kamangmangan. Kung ang mga Facebook friend ni Nick, sang-ayon sa litrato, ay mga mangmang din kagaya niya, malamang maniniwala agad sila at lalo pang ipapakalat ang maling impormasyon. Mahirap na kaaway ang isang malawak na komunidad ng mga mangmang—kakainin ka nila ng buhay, pagtutulungan ka nila’t mapapaisip ka na lang kung ang mga utak ba nila’y utak pang maituturing.

Mahal ang presyo! Slightly used kasi. | http://howard.uberdigests.info/2014/08/28/slightly-used/

Hinahamon ko ang sinumang makakabasa nito na tumambay sa mga news website at social media accounts ng mga news outfit. Una, basahin mo muna ang balita o post para may alam ka sa paksa. Pangalawa, basahin ang mga pamatay (literal) na comment ng maraming mangmang na Filipino. Pasensya kung mapapadalas ang iling ng iyong ulo. Pangatlo, ipagdasal ang Perlas ng Silangan. Kung darating na ang Zombie Apocalypse (nangyayari na yata), tiyaking papanig ka sa mga may alam na handang lumaban para itama ang mundo. Huwag mong hayaang kainin ng mga mangmang na zombie ang iyong utak—masasayang lang ito sa kanila dahil ‘yong sarili nga nilang utak, hindi nila ginamit.

Advertisements

3 thoughts on “Mangmangmayang Filipino

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s