Ang Salaysay ni Filipino

Yakap ko ang salitang ‘Kamalayan’
Nang bigwasan ako ng Dayo sa tiyan
Namilipit ang lahat ng aking kalamnan
At muntik nang maisuka ang kagat na ‘Karangalan’.

Nais niya ring agawin ang ‘Kayamanan’ sa’king bulsa
Ngunit humilig ako pakanan kaya ‘di niya nakuha
Nais ko sanang tumayo’t tusukin ang kanyang mata
Subalit bihag ako ng sakit at ‘di makawala.

Nais kamkamin ng Dayo ang lahat sa akin
Ngunit lalaban ako’t ‘di magpapa-alipin
Tinitigan ko siya’t pinagmumura ng madiin
Ang tampalasang Dayo, nais akong pasukuin.

Pagod na ang katawan at ‘di makapiglas
Ang iniingatang mga salita’y nais kong itakas
Ang tanging nagawa’y ito ang pinanghampas
Sa Dayong mapilit at ayaw umatras.

Kinapkapan niya ang buo kong katawan,
‘Di pa nasiyahan at ako’y hinubaran
Dali-dali kong nilunok ang mga iniingatan:
‘Kamalayan’, ‘Karangalan’ at ‘Kayamanan’.

Sa aking dibdib, nahanap niya ang marka
Ngumingisi niyang binasa ang “Wika” na nakapinta
Ngunit anumang gawin niya’y ‘di niya ‘to mabubura
Dahil tagos sa balat ang gamit ditong tinta.

Ang Dayo’y aabutin ng magpakailanman
Kung ibig niyang agawin ang aking pagkakakilanlan
Ang ‘Wika’ sa dibdib ay tatak ng katauhan:
‘Kamalayan’, ‘Karangalan’ at ‘Kayamanan’.

Ang ‘Wika’ sa dibdib ay ‘di isusuko
Ipaglalaban hanggang sa wakas ng mundo
‘Kamalayan’, ‘Karangalan’, ‘Kayamanan’ ay tao
Ang magiting na ‘Wika’ ay ako.

Ang tulang ito ay aking lahok sa Saranggola Blog Awards 6.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s