Jeep: Rutang Pinas

Ang jeep ay galing sa mga Amerikano noong  World War II at ni-recycle lamang ‘to ng ating mga Lolo upang magkasya ang mas maraming tao. Ang military jeep na inabandona ng mga Amerikano ay pinaganda ng ating mga Lolo at hanggang ngayon nga’y pinapakinabangan pa natin. Kahit pa galing sa Kanluran ang jeep, naging tatak-Pinoy na rin ito.

Mabuti pa nga ang jeep, nagkaro’n ng sariling pagkakakilanlan hindi tulad ng ating gobyerno na hanggang ngayon yata’y bihag ng mga Amerikano at sistema nito. Makakawala pa ba tayo sa kapangyarihan at impluwensiya ng mga Kano?

Kahit ilan pwede mong pagkasyahin sa loob ng jeep. Kung pituhan ito, kayang maging waluhan. Kung siyaman naman ito, kayang maging sampuan. Malas na lang ng dalawang pasahero na tanging isang pisngi na lang ng pwet ang makakaupo. Hindi pa natin binibilang ‘yong apat na nakasabit sa dulo. Kung ang jeep naman ay tumatahak ng malayong ruta, gaya sa mga probinsya, pati bubong ay pwedeng pwestuhan ng mga pasahero. Nakakita pa nga ko noon ng jeep na pati sa hood may nakapwesto. Kahit saan sa jeep, pwedeng lugaran. Ang mahalaga’y ‘di ka malalaglag upang makarating ka sa’yong patutunguhan.

Mabuti pa sa jeep, ang mga pasahero’y may layunin na makaalis. Habang tumatagal kasi na nakapirmi lang ang jeep, lalong umiinit, lalong sumisikip, lalong nakakangawit at lalong nakakainis. Kung tayong mga Pilipino’y magkakaisang labanan ang maraming kanser ng lipunan, makakawala tayo sa init, sikip, ngawit at inis; mas maaga tayong makakarating sa nais nating patunguhan—maginhawang buhay at maunlad na bayan.

Kung pagsakay mo sa isang jeep, wala nang mapwestuhan, ‘wag sisihin ‘yong ibang pasahero kung bakit mataba o malaki ang katawan nila. Hindi nila kasalanan kung ‘di kayang tanggapin ng jeep ang timbang nila. Hindi naman jeep ang magkikibagay sa pasahero. Pasahero ang makikibagay sa jeep. Kaya’t kung masikip ang upuan, ‘wag mag-alala’t handang umusog ‘yong mga nasa dulo may maupuan ka lang. ‘Wag kang mag-alalang hindi nila pagbibigyan ang pwet mong makaupo. Tandaan, hindi aalis ang jeep kung hindi kumpleto ang pasahero. Hindi aalis ang jeep kung wala ka.

Mabuti pa sa jeep, walang naiiwan. Kailangan lang magtiis ng iilang ‘di makaupo ng maayos. Meron namang bakal na pansamantala’y pwedeng kapitan kahit nakakangalay. Dahil ayaw nating malugmok sa kalawanging sahig ng jeep, kailangan nating magtiis. May bababa rin at makakaupo tayo ng taimtim. Kaiba nga ito sa Pilipinas kung ating titingnan—kung sino pa ‘yong matagal nang nakakapit at nagtitiis, sila pang napag-iiwanan.

Kung nagmamadali ka, ‘di ka pwede sa jeep. Nasa tsuper kasi nakasalalay ang bilis ng takbo ng byahe. Kung gusto niyang mapuno muna ang jeep, magmuni-muni ka muna sa mga pangalang nakapinta sa kisame ng jeep. Kung panay ang hinto ng driver sa kada taong nasa tabi ng daan, sabayan mo muna ‘yong awit ng Air Supply na tumutugtog. Kung mabagal ang takbo ng jeep dahil sa kalumaan nito, titigan mo muna ‘yong mga nakasabit na manika, maliit na parol, air freshener, “God Bless Our Trip” gantsilyo at “Hudas, Sexy at Bayad Muna” quotes sa likod ng tsuper. Kung mabagal lang talaga ang takbo ng jeep dahil gusto ng tsuper na ligtas ang byahe, tumingin ka na lang sa labas at sariwain ang mausok at magulong mundo. Kung ayaw mo na talaga, “Full d String to Stuff” o katukin mo ‘yong kisame—may kalayaan kang bumaba.

Kung sabay-sabay tayong uusog, makakaalis agad ang jeep. Maraming bababa. Maraming sasakay. Mabilis man o mabagal ang takbo, mararating naman ang patutunguhan. ‘Pag nag-jeep ka, kailangan mong makisama—sa tsuper, pasahero at takbo nito. Mukhang ang jeep ay mas may rason pang makausad kaysa sa Pilipinas. Pero sa ikauunlad naman ng bansa, mga mamamayan ang dapat may gawin. Kung gusto nating mapaunlad ang Pilipinas, dapat umunlad muna tayong mga Pilipino. Sa uulitin, hindi ang jeep ang makikibagay sa pasahero. Pasahero ang ang makikibagay sa jeep.

Para!

Advertisements

22 thoughts on “Jeep: Rutang Pinas

      • Bihira ka lang naman magji-jeep kaya tiisin na ang inis. Kung d’yan sa Bahrain ‘di nakakainis mag-“commute”, aba, lubos-lubosin mo na rito. Haha.

      • Hindi miss. Wala lang talagang choice. Haha. Personally gusto kong I abolish ang privatized transport para lahat ng tao mapilitan mag commute. Baka pag ang mga may kaya mag commute ayusin nila ang public system. But that will never happen because Filipinos think that owning a car equals to success and not some form of expensive vanity.

      • May choice ka namang mag-taxi. Haha. Yes! Pero malabong mangyari ‘yan noh. Mga government officials nga at politicians hindi nagpa-public transpo e. Ang lakas ng loob nilang ipagmalaking okay ang condition ng public transpo sa bansa pero hindi naman sila tumatangkilik.

      • Nope. Never taxi. No offense to taxi drivers but nope. Id rather walk. Its too expensive and I cant seem to trust them enough to actually use one. Hindi lang sa holdup dahil nangyayare din naman yun sa ibang sasakyan. Basta kung hindi fixed price ang bayad, hindi ako nagtataxi. Pang special occasions lang. Pag papuntang airport lang. Filipino tradition eh.

      • Wala yun sa diskarte ng commuter. Asa choice yun ng taong holdup-er kung gagawa sya ng masama o hindi. Thats just my arguement because a crime is never the fault of the victim no matter how stupid the victim is. Pero gets ko ang ibig mong sabihin.

      • Kung meron mang dapat hindi mamiss sa commuting sa Pilipinas ay ‘yang sinabi mo. Parang motto na nga ng commuters dito ang pagtitiis e. ‘Di nila alam na dahil public transportation nga ang ginagamit nila, dapat silang mas makatanggap ng malaking suporta sa gobyerno. Eh wala.

      • Kaya nga hindi na ko makapag antay sa Zombie apocalypse eh. Rendered useless lahat ng transpo. Bwuhahaha. Suck it four wheeler owning aholes! Can you believe it? Nakatira ka sa 3rd world country na maliliit ang kalsada at umaasa sa imported gasolina tapos bibili ka ng 4×4? Bakit hindi ba kasya yang Asian mong katawan sa sensible Japanese car?

        Sorry sa rant 🙂

      • Mabuhay ang mga tricycle! Haha. Kung ang tao’y bumili (o malamang nag-loan) ng sasakyan para lang magyabang at “iangat” ang kanyang estado sa buhay, sana nagpagawa na rin siya ng sariling kalsada. Haha. Pero ‘wag naman sanang magka-Zombie Apocalypse. Baka ako lang makasurvive. HAHAHA.

      • Depende sa sandata mo. Haha. Kung sa panonood lang ng TWD, magiging magaling tayo sa tunay na Zombie Apocalypse, baka maraming makasurvive. Haha.

      • Sa Pilipinas? Oo mukhang madami mag susurvive. 1. Sanay tayo magutom 2. Second nature ang mang gulang 3. Di tayo maarte sa tutulugan. Haha. I make Philippines sound so bad.

      • Shet. Kung gayon, ngayon pa lang pala may Zombie Apocalypse na sa Pilipinas at iba pang Third World countries. Haha. Eh kaso mabubusog ba tayo sa mga mangmang na utak ng ilan nating kababayan? Baka mag-diet na lang mga zombie kung gano’n. Haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s