Lito Lapid

Hindi kasingyaman ng kalaban ko
Sa panliligaw, ako lang ang regalo
Hindi tsokolate na galing sa Riyadh
Hindi naggi-gitara o nagba-ballad.

Tula’t patawa ang kayang ibigay
At sintunadong awiting parang pang-lamay
Ako’y manliligaw na nagpapaka-totoo
Hindi anak mayaman na mukhang babaero.

Tricycle, jeep o lakad ang sundo
Hindi magara’t mamahaling auto
Hindi kagwapuhan ngunit malinis ang loob
Sa aking mga banat, tiyak ika’y mabubusog.

Panis ang ‘yong laway sa machong kalaban
Magsasawa ka sa kwento kung ako ang kasintahan
Hindi ko sinisiraan ang aking kakumpitensya
Naglalahad lang ng panlaban sa kanya.

Kung ang hanap ng babae ay pagmamahalan
Hindi ito makikita sa panlabas na kaanyuan
Macho, gwapo, mayaman at maluho
O maunawain, maalaga at palabiro.

Pipili ka na lang, do’n na sa sigurado
Pipili ka na lang, do’n na sa totoo
Sa lalaking katulad ko’y wala kang lugi
Ako’y ‘yong kasama hanggang ika’y mabungi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s