Buhok

Ang aking buhok ay masunurin sa hangin
Hindi sa akin
Sa tuwing lalagyan ng gel o wax,
Ang nakatayong buhok ay laging bumabagsak.

Maya’t-maya ang hawi sa buhok ko
Ayaw matakpan ng bangs ang noo
Sa totoo’y malambot ang aking buhok
Kaya tuwing mahangi’y lagi akong nasusubok.

Iiwas sa hangin para manatiling nakatayo
Magmumukha kong Totoy ‘pag bagsak ito
O ‘di kaya’y alanganing Rizal o Emilio Jacinto
Mabuti nang nakatayo, mukha kong gwapong loro.

Marami akong mga tulang mababaw ang hinahayag. ‘Yong mga tulang mahirap hanapan ng mensahe kasi nga sadyang napakababaw. Minsan ang pagsulat ng mga “walang kwentang” tula’y kalayaan din. Pinapakawalan natin ang ating sarili sa mga malalim na bagay na ating naiisip o nararamdaman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s