Luha

Nabasa na ba ng luha
ng mga mamamayan
ang mga pulitiko?

Na nagsabing bumalik
sa isang buwan para
sa tulong pang-mediko?

Na pagbalik ng pobre ay
bumalik daw muli sa
isang buwan pa.

Pagbalik ng kaawa-awang
pobre ay lumuluha
ng wagas.

Yumao na ang may
sakit at ngayo’y
pamburol ang hangad.

07242013

Minsang nakatambay ako sa lobby ng opisina ng isang pulitiko para mangalap ng balita. Nando’n ako sa upuan kung saan dumudulog ang mga tao para makahingi ng kahit anong tulong mula sa Mayor. May isang Manang na may dalang mga hospital records ang nanghihingi ng tulong pinansiyal ngunit hindi siya napaunlakan ng receptionist ng Mayor. Nanghihinang umupo si Manang sa aking tabi. Nagpipigil ng luha. Muli kong nakita si Manang sa parehong lugar din. Nakaupo ulit ako roon at siya’y may hawak ulit na mga papel. Mas mabigat lang yata ang pakiramdam ni Manang ngayon at parang ‘di na kayang magpigil ng luha. Ang noo’y panggamot na hiling ay naging pamburol na. Ang sagot ng receptionist, maghintay na lang daw at ire-refer siya. Mabilis ang panahon sa pagitan ng buhay at kamatayan. Sana’y alam ito ng mga naturingang public servants.

Mabigat ang eksena. Imbes na balitang maisusulat ang aking nakuha, luha ang aking napala.

Advertisements

3 thoughts on “Luha

  1. minsan hindi ko alam kung paanong kinakaya ng mga staff ng bawat pulitiko ang ganitong eksena sa araw-araw. at madalas naasar ako kung bakit nailuluklok ang mga pulitikong minanhid na ng kanilang kapangyarihan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s