Dahilan ng Pagmamahal

Kung hahatiin ko sa dalawa ang aking puso,
May dalawa na rin akong dahilan para mahalin ka:
Isa sa kanan
Isa sa kaliwa.

Kung pagpaparte-partehin ko naman sa apat,
May dagdag na dalawang dahilan para mahalin ka:
Isa sa taas
Isa sa baba.

Kung gigilingin ang aking puso sa maliliit na bahagi
Lalong dadami ang dahilan para ibigin kita:
Sa gitna, sa labas
Sa gilid, sa loob.

Ngunit hindi ko kayang hatiin ang aking puso
Dahil hindi ko kayang sugatan ang dibdib ko;
Tatanggapin kong ikaw ang hahati rito
Tatanggapin kong ikaw ang susugat dito.

At kung ang dibdib ko’y nabuksan mo na
At ang aking puso’y nakita na ng aking mata,
May isang dahilan na lang para mahalin kita:
Ang aking puso’y hawak mo na.

Advertisements

3 thoughts on “Dahilan ng Pagmamahal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s