Burka

Gabi-gabing kinakain si Nanay ng dilim
Ngunit panlaban niya’y koloreteng mumurahin
Na magkukubli sa kanyang lantad na lihim—
Sa mundo ng lalaki, ang babae’y alipin.

Biktima si Nanay ng makamundong pagtataksil
Ng mga lalaking ulol sa babae’t laging gigil
Ang mga kamay na sa suso’y makapisil—
Libog ang kahinaan ng lalaki, ang sa babae’y pagpipigil.

Yakap ang salubong ni Nanay sa umaga
Tinatakpan ng hamog ang natuyo niyang luha
Niyayakap ng liwanag ng araw ang pagod niyang mukha—
Sa mundo ng babae, ang lalaki’y tanga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s