Binanigan mo Ako

Nakalimutan mong kunin ang banig sa ilalim ng aparador
Hindi ko magawang kunin ‘to sapagkat ayaw kitang maalala
Sa tuwing maglilinis ay tinatapatan ko na lang ‘to ng bentilador
Dahil ayaw kong madungisan itong banig ng ating pagsasama.

Hindi pa ko hubad ay pinakawalan ko na ang aking pagkatao
Dito ko inalay ang nararamdaman ng aking kaloob-looban
At dito mo rin inalok sa akin ang iyong pawis at likido
Yakap natin ang isa’t-isa, hinihingal, nakangiti, tila nagde-deliryo.

Ako yata ang nakalimot na itapon ang banig ng nakalipas
At hindi ko malaman kung bakit ‘di ko ‘to mapakawalan
Masakit, madugo at malagkit ang tangi kong nababakas
Dito sa banig na pinunluan ng ating pagmamahalan.

Ang ating pag-iibigan ay hindi yumabong
Ngunit hindi ko pinagsisihan ang nangyaring misteryo
Nais ko nang makalaya sa naiwan mong patibong
Gusto ko nang makalimutan lahat ng ating sinuko’t binuo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s