Kapit sa Pananim

Sa mga luntiang halaman nabubuhay ang sitio
Ngunit hindi buhos ang tulong galing sa pinuno
Kaya napipilitang lumipat sa ibang sitio ang mga tao
Na tinamad nang maggapas at mas piniling mag-semento.

Paglipas ng panaho’y umunlad ang kabilang bayan
At ang luntiang sitio’y tuluyang napag-iwanan
Ang dating mga taniman na masisigla
Ngayo’y mga tigang na lupang nawalan ng magsasaka.

Lumipas pa ang ilang taon at umunlad na rin ang sitio
Ngunit nawala nang tuluyan ang mga taniman ng mga ninuno
Na ngayo’y hitik na sa matatayog na gusali
At mga malalaking bahay na sementado ang haligi.

Wala nang mapagtayuan ng mga bagong gusali’t planta
Sa sitio, kabilang bayan at saan man sa bansa
Tila nakukulong na ang mga tao’t ‘di mapalagay
Saan sila lulugar sa bansang walang tunay na bahay at tanim na palay?

Advertisements

2 thoughts on “Kapit sa Pananim

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s