Lipad

Minsan ba’y naisip mo nang lumipad?
Oo, lumipad!
Sa taas ng gusali’y bigla kang tatalon
Sa tuktok ng bundok bigla kang lulundag
Sa dalisdis ay huminto at saka kumawala
O habang nasa eroplano’y tatakas kang bigla.

Hindi sinasabing ika’y magpapakamatay
O naghahanap ng sakit ng katawan
‘Di ba’t lahat naman tayo’y gustong lumipad
Gaya ng mga ibong malaya sa taas?
Tinatanong ko lang kung naisip mo nga
Ang lumipad nang ‘di nasasaktan?

Marahil ang tao’y ‘di nakakalipad
Upang tayo’y ‘di masaktan
O para hindi tayo mamatay
Pero sabi nila masarap sa himpapawid
Habang kinukumutan ka ng langit
At nakikipagniig sa kaulapan.

Kaya nga siguro hanggang pangarap lang natin
Ang lumipad kasabay ng hangin
Ngunit madalas pa rin na aking isipin
Na sana tayo’y nakakalipad din
Dahil madalas na sa lupang natatapakan
Nararamdaman ang sakit at pait na nais takasan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s