Aray, Aray, Buhay

Bakit ang sugat ay ating hinihipan
Gayong wala namang gamot galing sa lalamunan?
Hindi naman nito itinataboy ang hapdi,
Pansamantala lamang na ito’y pinapawi.

Marahil ayaw talaga nating mawala ang sakit
Para masubok ang tatag ng ating kapit
Sa mga bagay na nagdudulot ng kirot
Na hindi basta-basta madadala sa gamot.

Kaya nga siguro hinihipan ang sugat
Ay upang makaalalang may panandaliang peklat
Na siyang hihilom sa dugo at pait
At hindi sa mismong hiwang nagdudulot ng sakit.

Hipan mo man o hindi iyang galos
Iya’y gagaling kahit ‘di padalos-dalos
Sa buhay nating hitik sa problema,
Kaunting ihip lang, ito ri’y giginhawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s