Nasaan ang mga Maya sa tuwing Umuulan?

Naglalakad ako ng walang payong
Mahina lang naman ang ambon
At ang nadaraanan nama’y may silong
Umaasa na lang akong ‘di magkasipon.

Nakakita ako ng matabang maya
Para siyang bolang tumatalbog
Hindi ko alam kung buntis o busog
Ngunit kagaya ko, umiiwas din siya sa basa.

Nasaan ang mga Maya sa tuwing umuulan?
Nananatili ba sila sa kanilang tahanan?
O patuloy ang paglipad sa himpapawid?
‘Di kaya nakasilong sa mga pawid?

Magkakasakit ba sila kapag nabasa?
Baka naman magutom ‘pag nasa pugad lang?
‘Di ba’t ‘pag maaraw, panay ang tuka?
Eh ngayong umuulan, wala Mayang mabilang.

Nasaan ang mga Maya sa tuwing umuulan?
Palundag-lundag ba sa kable o sa sanga?
Wala kong makita kundi maitim na kaulapan
Wala ang mga Mayang siga ng kalsada.

Sana’y ‘di mo binihag ang mga Maya
Alam kong kahit may bagyo, sila’y masaya
Araw, tuyong damuhan—anong hinihintay?
Hindi naman panahon ang magtatakda ng buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s