Bihaghari

Hindi mo ba naisip minsan
Kung paano nating inaapi ang mga kulay
At tila dinudungisan
Ang kada wangis nilang may buhay?

Bakit ang itim ay sa kalungkutan
At bawal gamitin sa tuwing ika’y maligaya?
Kagaya rin ng puti sa kalinisan
At hindi sa pagkabalisa?

Kung gagamitin ko ang pula sa kapayapaan
At ang asul naman ay sa pakikidigma
Magbabago ba ang takbo ng isip ng sangkatauhan?
Dadanak ba ang pulang dugo sa madungis na asul na bandila?

Kung ang luntian ba’y iuugnay ko sa kasamaan
Magbabago ba ang pagtrato natin sa paligid?
Magbabago ba kung iugnay ko sa kalikasan
Ang kulay dilaw na para sa mga ganid?

Inaapi ko ang mga kulay
At kikitilin ko ngayon ang kanilang pag-asa
Na baguhin ang mundo bago ito mamatay
O baguhin ang mga taong wala namang natatamasa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s