Kayo, Kami, Amen

Hindi ako naniniwala sa relihiyon
Ngunit naniniwala ako sa Diyos,
Kay Kristo at sa kanyang mga misteryo—
Isa akong Kristiyanong walang relihiyon.

Matagal na ‘yong huli kong misa
Nakadalo na rin ng samba ng Iglesia
At naki-Hallelujah sa mga alagad ni Juan Bautista
Nanonood din kay Bro. Eli at Pastor Apollo
At ‘pag nati-tyempuhan ay kay Bo Sanchez,
Sa El Shaddai, Sa Kerygma, Light TV
At ‘yong lalaking nakaputi sa IBC at NBN.

Sobrang daming paniniwala, iisang konsepto
Sobrang daming dogma, iisang Diyos
Lahat naman sila ay nagkakasundo sa ideya ng
Pagkakaisa ngunit pinagwatak-watak nga lang ng
Relihiyon na pangunahing dahilan ng kawalan ng
Kapayapaan sa mundo.

Galit ang Westboro sa mga bakla’t Hudyo
Galit ang mga Jihadist sa mga Kristiyano
Ang mga alagad ni Buddha’y kalaban ng mga Muslim
At ang mga Muslim naman ay kalaban ng
Mga Hudyo sa Israel at Palestina.

Isama mo pa ang mga Orthodox sa Ethiopia, Russia
At Europa na kung tutuusin ay schism lang sa
Romano Katolika. Pabonggahan ng head dress,
Patingkaran ng krus, pagandahan ng simbahan at
Paramihan naman ng Diyos ang mga tribo sa Africa,
liblib na Indonesia at bandang Papua at Samoa.

Isama pa natin ‘yong mga sumasamba sa mga Kim ng
Korea; o sa mga Ecleo ng Dinagat; o sa mga
sumasamba sa alien; o sumasamba kay Rizal;
sumasamba kay Satanas; sumasambang mga Pagano;
O, walang sinasambahan na
Kahit na sino. Masakit sa ulo ang mga
Nagbabanggaang aral at prinsipyo. Teka, hindi ko
Pa nababanggit ang mga Sikh, Hindu, Confucian,
Shintoist o Jain. Meron pang mga alagad ni Zoroaster,
alagad ng nagtatag ng Baha’i, mga Tao, mga Gypsy,
Mormon, Scientologists, etc. etc. etc.

Sobrang dami. Talaga. Kaya kung minsan iniisip ko na
Dapat bumalik na lang ang mundo sa pagsamba sa
Kalikasan. Mas masarap sigurong mabuhay
Kung ang iyong tinitingala ay ang Araw,
Ang iyong niluluhuran ay Lupa
At ang iyong banal na likido ay Katubigan ng mundo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s