No to Yellow Dictatorship

Kanina na lang ulit ako nakanood ng Congress Hearing. Mula 9:30 ng umaga hanggang 2:00 ko pinanood. Hindi ko alam kung matatawa ko sa mga taga-himod ng pwet ni Noynoy sa pagbulag nila sa kanilang mga sarili maipagtanggol lang ang Pangulo. Lalong ‘di ko alam kung magagalit ba ko sa kanila sa tuwing pinagkakaisahan nila’t pinagtatawanan pa ang mga endorser (Makabayan bloc) ng impeachment complaints. Alam ko naman simula’t-sapul, hindi magtatagumpay ang mga impeachment complaint dahil hawak nga ni Noynoy ang bayag ng Kongreso. Kung may bayag pa ito. Sinampal lang ako ng katotohan sa hearing kanina—ang mga mambabatas pala natin ay nagtatrabaho para sa Pangulo, at hindi para sa tao.

“The impeachment trial is a political process.” ‘Yan ang hayagang sentimento ng kada kongresistang pabor kay Aquino. Alam naman nating totoo ito ngunit basahin nga natin ang konteksto, isa itong patunay na sila ay nagtatrabaho nga hindi para sa mga tao kundi para sa kinaaaniban nilang Partido. Hindi na sila magmumuni-muni para alamin man lang kung ano ang tunay na hinaing ng taumbayan. Basta sabi ng Partido, susundin nila ito. Paulit-ulit pa ngang pinunto ng Kagalang-Galang na Neil Tupas na “So What?” kung ganito ang sabi ng Supreme Court o ng Constitutional Convention o ni Fr. Joaquin Bernas? Sa bandang huli raw kasi, ang mga individual member ng Justice Committee ang boboto—alinman daw ang tingin nilang tama. Ang tama para sa kanila, sa Partido at sa Pangulo. Hindi na nga yata makakawala ang Pilipinas sa bulok na sistema ng political patronage. 

Ang pinaka-nakapanlulumong eksenang nasaksihan  ko kanina ay nang magbotohan na sila kung uusad ang impeachment. Apat lamang ang pabor sa sufficiency of substance ng kaso. At habang ang apat na ito ay nakatayo, ang mga nakaupong taga-himod ng pwet ni Aquino ay tumatawa at tila nililibak pa ang mga complainant. Naisip ko na lang na parang tinawanan na rin nila ang mga kababayan nating naghihirap sa buhay. Naawa ako sa mga constituents ng mga kongresistang nilibak ang katotohanan at tinawanan ang mga Pilipinong lumalaban para rito. Hindi ko naman sinasabing dapat silang pumabor sa kaso, alam naman nating ‘di mangyayari ‘yon. Nahihiya lang ako na bilang Pilipino, ang ating Kongreso ay pinapatakbo ng mga hungkag, tuta, bulag at tampalasang pinuno.

May dahilan kung bakit tinawag silang mga pulitiko at hindi public servants. Magkaiba ‘yon.

Sa 2016, eleksyon na naman. Hindi na ko aasa na malalamangan ng mga matatalinong botante ang mga bobo-tante dahil hindi naman. Hindi na ko aasa na magwawakas na ang termino ng mga political dynasties dahil hindi naman. Hindi na ko aasa na hindi mananalo ang mga ampao na kandidato dahil hindi naman. Hindi na ko aasa na hindi na mananalo ‘yong mga may kaso o nadawit na sa kaso dahil hindi naman. Hindi na ko aasa na mananalo ang mga parehong apelyido dahil hindi naman. Wala naman daw maitutulong sa bansa ang pagbatikos sa gobyerno. May pinagkaiba ba kahit magsabi ako ng mabuti? Wala. Hangga’t nakaupo ang mga trapo at nagpapakabobo ang mga tao.

Viva Filipinas!

Listahan ng mga taga-himod ng pwet ni Aquino na bumoto laban sa impeachment at tinawanan ang mga endorser nito. Mga Honorable na tinawanan tayo.

Advertisements

6 thoughts on “No to Yellow Dictatorship

    • Nope. This is my latest political post. I’m so fed up with what’s happening to our government right now that I decided to keep my opinions on my head. The Philippines is indeed a failed democracy.

      • Tell me about it. Lately Ive been reading through history/political science books that are prescribed for HS students. None of it explains shit about the government.
        This was a good read though. I like reading in tagalog. I find it a lot harder than having to write in English.
        Ive only just recently started my blog here in WordPress and so far its been a safe environment for my opinions. I think this is a safe place to dump your frustrations. Political or other wise.

      • First, are you aware about the Pork Barrel Scam, DAP Issue and the Constitutional stuff happening in our government? I don’t want you to eat my opinions. Haha.

      • I am fairly aware of all this things. But have no fair opinion about them. But I would like to read a condensed version of each that is not posted by any TV network.

      • We’re inching our way to the 2016 elections so our politicians are starting to show-off. Just like earlier, they dumped the three impeachment complaints against the President. I’m not an avid supporter of the impeachment but I just hate it that our congressmen, especially those with the Liberal Party, are “fangirling” with PNoy that they forgot how to serve the people.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s