Batikan

Sa industriya ng pelikula, pana-panahon lang daw ang kinang ng iyong tala. Ngayon nga, kung sino pa ‘yong mga binabansagang “artista”, sila pa ang mas makinang kaysa sa mga tunay at dapat na kinikilala—silang mga alamat at tinuturing na sining at buhay ang pag-aartista.

Kailan bibigyan ng pagkilala ang mga matatanda ng artista na mula pa lang noong Golden Age ng Philippine Cinema ay nasa entablado na? Silang tunay na magaling na ang talento ay nahasa pa sa teatro at hindi sa mga talent search na paramihan lang ng boto. Silang mga hinubog ng panahon at hindi ng komersyalismo. Silang mga binuhay sa sining at hindi sa dressing room. Silang mga artista na hindi lang umaarte o nagbabasang script, bagkus, binubuhay ang karakter at bawat linya nila. May dahilan kung bakit ang tawag sa kanila ay character actor/actress at hindi lang basta artista.

Minsang nanonood ako ng isang lumang pelikulang Pilipino na kinatatampukan ng bata pang si Gloria Romero, sabi sa’kin, “Ang pangit naman niyan. Lipat mo nga ‘yan.” Hindi ko nilipat hanggang sa natapos ang pelikula. Inisip ko na lang, buti nga si Gloria Romero, tumanda na’t lahat, hindi pa rin kumupas ang galing sa pag-aartista. Eh ‘yong mga artista ngayon, bata pa lang nga, hindi pa hinog, ‘di pa nga magaling mag-artista, nagpo-promote na ng album nila. Lisensya ba ang kasikatan para pasukin mo lahat ng larangan na akala mo’y magaling ka?

Gaya nga ng nabanggit ko na, pana-panahon lang ‘yan. Iba’t-ibang uri ng artista sa pabagu-bagong panlasa ng mga
tumatangkilik. Nalulungkot lang ako, na kung sino pa ‘yong mga may napatunayan na sa industriya, sila pa yata ‘yong
nasasarhan ng telon. Kailan ba sila bibigyan ng sapat na pagkilala? ‘Pag sila ba’y namatay na? Inaalo ko na lang ang
sarili ko sa ideyang hindi naman hangad ng mga batikan at alamat ng industriya ang kahit anong gantimpala o pagkilala.
Ang hangad lang nila ay maipamalas sa mga tao ang kanilang talento nang walang hinihinging kapalit. Na kahit palakpak
lang at “Bravo!” ay masaya na sila. Na sila’y masaya na basta makapagpasaya lang ng iba.

Photo: showbiz-portal.com

Photo: showbiz-portal.com

Photo: pep.ph

Photo: pep.ph

Photo: pep.ph

Photo: pep.ph

Photo: inquirer.net

Photo: inquirer.net

Photo: allvoices.com

Photo: allvoices.com

Photo: fanpix.net

Photo: fanpix.net

Photo: philstar.comPhoto: philstar.com

Kailan ko pa bang pangalanan kung sino sila? Tinago yata sila sa telon. At marami pang ibang nakatago sa pulang telon…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s