Anong Meron: Barber’s Tales ni Jun Lana

Maraming pelikula ang tumalakay sa Feminismo. Ngunit ibahin natin ang Barber’s Tales (Mga Kuwentong Barbero) sapagkat ang pelikulang ito ay tumatalakay sa Feminismo nang hindi binibigyan ng focus na ang Babae ay nasasaktan, hinuhusgahan at inaabuso dahil siya ay isang Babae. Hindi tinalakay ng pelikula ang Feminismo batay lamang sa Kasarian. Bagkus, tinalakay nito ang Feminismo batay sa Realidad.

Pinakita ng pelikula na mayroon talagang pang-aabuso, pananakit at diskriminasyon sa mga kababaihan. Nariyan si Marilou (Eugune Domingo) na hinusgahan ang kakayahang gumawa ng trabahong panlalaki; si Rosa (Sue Prado) na ginagamit bilang pampalipas-oras ng mga lalaki; si Cecilia (Iza Calzado) na nasanay na lang yata sa pang-aabusong ginagawa sa kanya ng kanyang asawa; ang matandang dalaga na si Tessie (Sharmaine Buencamino) na kahit walang asawa ay ‘di pa rin nakatakas sa problema; at si Susan (Gladys Reyes) na pagod na sa pagiging kapareha ng makasarili niyang asawa.

Iba’t-ibang mukha ng kababaihan sa lipunan ang pinakita ngunit malinaw na naipamalas na walang pinipiling biktima ang pang-aabuso. Hindi nito ipinunto na sila ay biktima dahil sila ay Babae kundi sila ay Biktima ng Panahon, Pagnanasa, Kapangyarihan, Pag-Ibig at Pulitika. Hindi dahil sa Kasarian nila kaya nakaranas sila ng pang-aapi kundi dahil sa buhay na meron sila. Malinaw ang mensahe ng pelikula—ang Babae ay pwedeng umunlad at maging malakas nang hindi nagbabago. Babae pa rin siya, nasasaktan, lumuluha at nahihirapan, ngunit hindi niya kailangang magbago para tumalima sa lipunan. Kung tutuusin, ‘di naman nia talaga kailangang tumalima sa lipunan. Hindi niya kailangang unawain siya ng Mundo para makuha ang respeto nito.

Pinakita kung paanong pinatunayan ni Marilou na kaya niyang kalabanin ang diskriminasyon at piliin ang landas na gusto niyang tahakin nang hindi dinidiktahan ninuman; pinakita ni Cecilia kung paanong ang puso ng isang Babae ay mas malakas sa kamao ng isang Lalaki—bagama’t may hangganan ang lakas ni Cecilia, pintunayang ang tao ay natural na mahina; pinakita ni Tessie at Rosa na hindi matatakasan ang problema, marami o wala ka man lalaking nakakasalamuha, lantad man o hindi ang ginagawa mo sa mundo—na ang buhay ay mapait at lahat ng tao ay masama; at namalas natin kay Susan na may hangganan ang sarap kung nagsisimula ka nang gapangin ng sakit at hirap.

Lahat sila ay lumakas ngunit hindi nagbago. Babae pa rin sila. Iba-iba nga lang ang istorya. Ang Realidad, hindi tayo biktima ng ating mga ginagawa. Lahat tayo, Babae man o lalaki, ay hindi ligtas sa sakuna.

Advertisements

3 thoughts on “Anong Meron: Barber’s Tales ni Jun Lana

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s