Bahay-Bahayan

Sabi ni Nanay pwede raw akong maging kahit na ano
Ang sagot ko, gusto kong maging batang ina
Tumawa si Mama na parang nagbibiro
Pero sumagot naman siya ng oo.

Bago ko pa naman maabot ang gusto ko
Iniwan kami ni Tatay no’ng syete pa lang ako
Nakita ko ang pagluha ni Nanay ng araw na ‘yon
Sabi ko sa kanya, “Nandito pa po ako.”

Hindi naglaon, nakilala ko si Jhuno
Sabi ko sa sarili ko, ito nang hinihintay ko
Kaya ‘di na rin nagtagal ako’y nabuntis na
At sinabi kay Nanay na ako’y batang ina.

Akala ko pa naman siya’y matutuwa
Pero sinampal niya ako at sinabunutan pa
Iyak ako nang iyak at ‘di niya ko pinapansin
Kinabukasan, nakita ko si Nanay nakalambitin sa hangin.

Iyak ulit ako ng iyak at tuluyan na niya kong iniwan
Lalo pa kong napaiyak nang pati si Jhuno’y ako’y pinabayaan
Wala na nga si Tatay, wala pa si Nanay
Paano na lang ako at ang sanggol kong wala ring Tatay?

Sa edad na dyes y sais ako’y Nanay na
Sinabi sa sariling sana’y nag-isip muna
At itong anak ko na ngayo’y kinse na
Nagsambit ng katagang sinusumpa ko na.

“Mama gusto ko ring maging batang ina kagaya mo”
Tumawa ako kasabay ng luha
Hindi kumibo hanggang siya’y lumisan na
Natatawa pa rin sa sariling ako’y nagpakatanga.

Sa edad ko ngayong trenta y uno
Ang kinse anyos ko’y may anak na
Sa edad na trenta y uno, ako’y lola na
Ang kinse anyos kong anak, bata pa lang, losyang na.

Nanay ko, nasa’n ka na?
Bakit ka umoo nang ika’y tinanong ko?
Kung sumpa man ito, putang ina po!
Mga batang ina na ang buhay ay nilalaro.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s