Lolo Ko

Sa lilim ng buwan,
Ako’y maghihintay
Sa iyong pagdating…
Ika’y mahawakan
Sana’y ‘di mawalay
Nais ka pang makapiling.

Lolo, sabi mo, “Tayo na apo,
Marami pa tayong hahabulin.”
Pero pagbaba ko, nasa’n ka Lolo?
Hindi ka naman mainipin.

Ikaw ba’y may hinahabol
Kaya ako’y iniwan mo?
‘Di bale na, susunod na lang sa kubol
At alam kong nando’n ka Lolo.

Ngunit pagdating ko, wala ka rin do’n
Wala rin sa bukirin
Wala rin sa balon
At wala rin sa hardin.

Lolo ko, nasa’n ka?
Ihahatid mo pa ko bukas
Lolo ko, magpakita ka na
O magpakita man lang ng bakas.

Lolo ko, halika na
Kekwentuhan mo pa ko tungkol sa digmaan
Lolo ko, nand’yan ka pa ba?
Handa na ang hapag kainan.

Lolo ko, ako’y suko na
Ikaw ba’y nagtatago lang?
Lolo ko, maawa ka
Ako yata’y ‘yong nililinlang.

Sa lilim ng buwan,
Ako’y maghihintay
Sa iyong pagdating…
Ika’y mahawakan
Sana’y ‘di mawalay
Nais ka pang makapiling.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s