Kung mayroon talagang nagdurusa sa kalungkutang nararamdaman ko, ito ay ang aking mga luha. Ang aking mga luhang pinakatagu-tago ko. Mga maaamo kong luhang bihira kong ipamalas sa mundo. Marahil, kung may mga kaibigan akong laging nand’yan kahit ‘di nagpaparamdam, sila ay ang aking mga luha.

Sila ang aking mga kaibigang sa tuwing malapit na kong bumigay ay kusang darating kahit ‘di mo sila tawagin. Sila’y lagi kong naaasahan kahit pa ayaw ko silang asahan. Sila’y mga tunay na kaibigang ‘di marunong mang-iwan.

Ngunit sa kabila ng lahat ng sakripisyo nila para sa’kin, ni hindi ko man lang masuklian ang kanilang pakikiramay. Pilit ko silang pinipigilan sa tuwing sila’y nag-uunahang lumabas. Marahil sila’y nagtatampo na sa’kin dahil kung minsang nais ko silang makita, ayaw naman nilang dumalaw. Sobrang pang-aabuso na rin kasi ang nagawa ko sa kanila. Baka napagod na sila sa pakikiramay at pang-aalo sa akin.

Patawad sa mga luhang nasayang lamang. Pero hindi naman siguro kayo nasayang dahil lagi namang may kapalit ang pagkasawi ninyo—ang magpalakas sa’kin. Dahil ang luha’y simbolo ng pagiging malakas ng isang tao, baka ako na ang pinakamalakas sa mundo. Luhang mas malawak pa sa Karagatang Pasipiko ang nailuha ko. Pero kung tunay ngang pinakamalakas na ko, bakit patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko?

 

Mula sa Kwadernong Itim

122212

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s