Kung Paano Sumulat ng Walang Kwentang Tula

Ay putang ina ng bata sa labas!
Sinisira ‘yong harang ng aming bintana
Kung alam lang niyang ang tagal nitong ginawa
Ay putang ina! Baka sambahin pa niya.

Teka, bata lang ‘yan, ba’t mo minumura?
Hindi ba’t dumaan ka rin sa iyong pagkabata?
Isipin mo na lang na inosente pa siya
Hindi alam ang tama sa mali, basta masaya.

Ang ibig mong sabihi’y hahayaan ko na lang siya
Na sirain ang harang na proteksyon sa langaw?
Aba kung gano’n dapat palitan niya ang mga nasira na
Putang ina! Akala mo may pera.

Teka, tumigil ka sa iyong pagmumura
Buti kung ako lang ang nakaririnig, eh meron pang iba
Sabihin na nating, nasira nga niya ‘yan
Intensyon niya ba ‘to? ‘Di ba’t ‘di naman sinadya?

Putang ina mo rin kung makapag-pangaral ka
Akala mo naman isa ka ring inosente’t dakila.
Kung gusto kong magmura, ako’y magmumura
Akin ang bibig ko, tanggapin mo man ang mga salita.

Putang ina niyong dalawa kayo!
Mga gago, tarantado, bobo at pindeho!
Sisirain ko kung anong gusto kong sirain,
Hoy ikaw! Makialam ka ng gusto mong pakialaman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s