Ang Tatlong Kabanata ng Ating Tula

Sa pagsilip ng mailap na sikat ng araw

Namalas natin ang isa’t-isa

Nagsaluhan ng tingin ang ating mga mata

Nagpatagisan tayo ng ating mga ngiti.

 

Walang maliw.

 

Sinunggaban ng puso mo ang mahiyain kong puso

Kamunitk nang mahulog nito ngunit kagyat mong sinalo

Sa paglipas ng panahon ay nakakapit ako sa’yo

Tila nahigitan pa natin ang tinatawag nilang paraiso.

 

Walang kupas.

 

Napagod sa pagdilat ang iyong mata

Nangungusap akong buksan mo ito

Napapaluha na lang ako sa pagpikit mo

Nawalan ako ng kasalo sa pag-aninag ng mundo.

 

Wakas.

 

071313

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s