Bawal ang Babae sa Tabi ni Manong Tsuper

Alam mo ba kung bakit bawal ang naka-Pepe shorts sa tabi ng driver sa jeep?

Ito ang isang kwentong hinimay mula sa pangyayari noong 2005:

Sa rutang San Juan-Divisoria, may isang babaeng sumakay ng jeep sa Agora. Naka-Pepe shorts ito. Noon, uso nang pagsusuot ng mga maiikling shorts pero ‘di pa binabansagan itong Pepe shorts. So, pumwesto ang babae sa tabi ng driver. Maginhawa naman ang takbo ng jeep hanggang pagdating sa Legarda, bumangga na lang ang jeep bigla sa poste ng Meralco. Ikinasugat ito ng driver at ng mga pasahero kabilang na si Ateng naka-Pepe Shorts.

Idinahilan ng driver na kasalanan ito ni Ateng naka-Pepe Shorts. Sa itim daw kasi ng tuhod ni Ate, napagkamalan niya itong kambyo, ito raw ang kanyang nahawakan nang paarangkada na ang jeep. Sabi naman ni Ate, akala niya’y hinihipuan siya ng driver kaya bigla niya itong sinampal at pinaghahampas. Dahil sa ginawang pananakit ni Ate sa driver, nagambala sa pagda-drive si Manong Driver dahilan para mabangga na nga ng tuluyan ang jeep sa poste.

Sa tindi ng impact ng pagkakabangga ng jeep sa poste, nagtamo ng bukol at sugat sa katawan ang driver at mga pasahero. Hanggang ngayon ay ‘di pa rin sigurado ang mga imbestigador sa tunay na nangyari. Kung maitim ba talaga ang tuhod ni Ate o may pasa lang ito dulot ng aksidente.

Mula nang araw na ito, ine-encourage na ‘wag na lang sumakay ang mga babaeng naka-Pepe shorts sa tabi ng driver. Baka kasi sa sobrang itim ng tuhod ay mapagkamalan pa itong kambyo. Kawawa naman ‘yong driver at baka mapagkamalan ding manyak.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s