Sneak Peak sa PUP: Overheard sa PUP

Makikita sa Overheard sa PUP ang kulturang tinataglay ng pinakamalaking state university sa Pilipinas.

Kung tutuusin, ang PUP ay isang maliit na modelo nga ng Pilipinas. Kung ano ang nakikita, nadarama at kung ano pang nararanasan mo sa loob ng PUP ay siya ring nangyayari sa ating bansa. Well, ang PUP at bansa kasi ay parehong pinapatakbo ng gobyerno. Aw. Wala talaga tayong kawala sa pulitika, Men!

Ang Overheard sa PUP ay isang group kung saan pwedeng magshare ang members nito ng kani-kanilang mga PUP stories–mga karanasan nilang epic, inspiring, dyahe o astig! Ang OH sa PUP ay bunga ng original Overheard Group sa Pilipinas, ang Overheard sa UP. Pero teka, kung anu-ano na lang ang mababasa mo ngayon sa OH sa PUP ah! Mamaya ang mga detalye. Pumunta ka sa OH sa UP, makikita mo ang kamangha-manghang standard ng kanilang mga post do’n. Maiinggit ka na sana gano’n din ang nababasa mo sa PUP. Orayt, magkumpara na kung magkumpara pero sa comparison naman talaga minsan nalalaman kung ano ang good sa better eh.

Well, maraming nakatutuwang kwento sa OH sa PUP. Sinali ako rito ni Admin no’ng bagong silang pa lang ‘yong grupo. Nasubaybayan ko ‘yong mga unang witty na istorya rito (na natabunan na) at nairita rin ako sa mga nagpo-post ng Ads. Buti nga ngayon nakontrol na ‘yong mga Ads do’n. Good job Admin! Sa pagtagal ng panahon, umabot na ng libo ang members nito (19, 214 as of this posting) at sa pagdami ng members, nabuo na ang OH community. At sa bawat community, mayroong kultura. Kulturang nagre-represent sa ating Sintang Paaralan.

1. Ang daming bashers

Overwhelming ang dami ng bashers sa OH sa PUP. As in! Marami kasing nagpopost do’n ng mga non-sense na post o ika nga nila’y neverheard. Itong mga bashers ay parang mga predator na handang atakehin ‘yong kanyang prey. Yari ka sa mga masasakit na salita, masasakit na salita at iba pang masasakit na salita. :3

Sa PUP, ‘pag may nakitang maliit na pagkakamali, puna agad ang karamihang mga nagdudunung-dunungan, nagmamagaling at nagpapakitang-gilas. NGUNIT ‘pag may lantad na kamalian na sampal na sa mukha, kibi’t-balikat naman sila. Puro salita, kulang sa gawa.

Halimbawa, maraming nagrereklamo sa mga maling gawi ng mga Prof nila. Hanggang salita lang naman kahit sumosobra na. Nariyan ‘yong mga Prof na OA sa pagpapabili ng libro, nagpaparenta ng mahal na projector at nagpaparequire ng brand new USB (Nangyari lahat ‘yan.) Bihira ang nagrereklamo sa mga ganyan sa takot na balikan sa grades. Kaya nga natuwa ako nang may nabalitaan akong isang student (with her family) na nireklamo ang kanyang abusadong thesis adviser na PhD holder pa man din. Nireklamo sa pulis at barangay, ayon, nakulong for a couple of hours. (Nangyari rin ‘yan.)

2. Ang daming attention seeker

Kalimitan sila ‘yong mga naba-bash. Sila ‘yong mga attention seeker na non-sense ‘yong mga pinopost. Anong akala nila sa group, profile nila kung saan magpo-post sila ng self-serving non-sense shit nila para lang mapansin ng iba (or para makabingwit ng love life?) Marami rin do’n ‘yong imbes na iPM na lang classmates/friends nila o magbasa ng mga (official) announcements o mag-Google, do’n pa magtatanong ng kanilang hinahanap. Marami namang helping hands do’n pero, ‘di ba naman? Haha.

Puro reklamo ang karamihan sa napakaraming mga bagay. Nasanay kasi sa spoon-feeding. College na tayo, matuto sa diskarte. At ang diskarte, mas magandang nagagawa ng mag-isa. Life achivement, teh!

3. Maraming mga Common Member ang nangangahas kontrahin ‘yong mga Attention Seeker, pero kinakain din sila ng mga Basher

Na-outnumber na kasi yata ng mga Attention Seeker ang mga Common Members sa group na ang gustong mabasa ay mga legit OH posts. Parang ‘yong mga Attention Seeker na ‘yong naging Common Members do’n. ‘Yong mga Attention Seeker ay inaatake ng mga Basher na suportado naman ng mga Common Member. ‘Pag ang mga Common Member naman ay nag-stand up against sa mga Attention Seeker, pagkakaisahan naman silang ibash ng mga Attention Seeker mismo. Ang ending, wala na lang kumokontra kasi naba-bash sila. Sakit sa puso ng food chain na ito!

Kagaya sa PUP, bibihira lang ang mga taong nasa katwiran at tama na naglalakas-loob na tumayo at labanan ang maling mga gawi ng nakararami o iilan. Dulot ng takot nila na mapuna, matahin o mapagkaisahan, mas pinipili na lang nilang manahimik na lang.

Halimbawa, open secret na sa PUP na may anomalya tuwing SC elections na minamanipula at kinokontrol RAW ng ruling party na SAMASA. Bibihira ang kumokontra kasi parang nasanay na lang DAW sa sistema. Kaya nga kaunti na rin lang ang bumoboto dahil sa mga napakaraming anomalya na nagaganap. ‘Pag may kumontra naman, sila pa ang masama (para sa SAMASA) na tila wala nang magandang ginawa ang iba (maliban sa SAMASA). Lahat ‘yan pawang speculations lamang PERO sa hinaba-haba ng panahon na lagi na lang may mga anomalya, naging open secret na.

SA PUP AT OH SA PUP, HINDI LAHAT KAYA NI ADMIN, DAPAT MAY GINAGAWA RIN TAYO PARA MABAGO ANG SISTEMA.

110613

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s